Thursday, November 09, 2006

Life's Lessons...

Naubusan na ako ng english kaya naman magtataglish na ako...

nakakapagod ang araw na ito... nakakapagod pero masaya naman sa huli... masayang magkita-kita ulit ang mga magkakatropa pagkatapos ng isang sem na halos hindi nagkita at nagusap. Masaya rin na habang tumatagal ay lumalaki ang grupo at nandun pa rin ang dating samahan... Masayang mag-"reminisce" ng mga masasayang moments na pinagsamahan... Tumawa sa mga jokes kahit na ung mga corny talaga... Sabay-sabay kumain ng doughnuts at uminom ng softdrinks sa sunken... kahit na ang walang katapusang asaran at lokohan nakakapagpadagdag na rin sa saya...

mahirap ang magpaka-plastic... mahirap na itago ang sama ng loob... mahirap na kontrolin ang nararamdaman.. wala naman atang madali sa buhay na ito... tayo lang talaga ang nagpapahirap sa mga sarili natin... minsan nakakainggit ang ibang tao bakit napakasaya nila... sa tingin ko.. hindi naman sa wala sila kaprobleproblema at tayo ay sagana naman, mas maganda atang sabihin na pinipili lang nila na maging masaya... lahat naman tayo may problema... nasa kamay lang naman natin kung palalakihin pa natin ito o hindi...

pagdating sa usapan tungkol sa puso... walang mga alituntunin at mga batas ang sinusunod... kapag nandyan na sa harap natin, hindi na natin ito mapipigil... hindi man sa tagal ng pagkakakilala at pagsasama nalalaman kung magiging matagumpay ang isang pagsasama.. hindi rin naman sa paraan ng pagkakakilala at sa tagal ng ligawan... kapag nahulog ka, eh di nahulog ka... tiyaka lamang nagiging malinaw ang lahat pag nasaktan na...

ang drama ko talaga... bow...

1 comment:

pachpach said...

shucks im too familiar with the 2nd paragraph :D