Friday, November 24, 2006

Binary

Asserted High or Asserted Low? 1 or 0?

Tama na ang geekiness... Hangover to ng coe23..

Sabi nga ng isang prof ko sa EEE ang pinakamahirap na decision ay ung mga binary decisions. Ung kung mageexam ka ba or hindi; magaaral or hindi; tutuloy or susuko na. Mga tipong yes or no questions. Siguro kasi wala nang ibang options well dalawa lang pala... At syempre totally opposite... Ang masaklap ay.. Paano na lang pag torn apart ka sa gitna??? Parang kalahati ng sarili mo nagsasabi na gawin mo to... tapos ung isa, ay wag mo gawin... Mas mahirap pag ang nagtalo ung utak at ung puso... ang hirap malaman kung sino ung mas tama...

Expectation(E) Moment, First moment ba un?!? hehe...

Nakakaaliw lang na ang ilan sa mga mabibigat na salita na iniisip ko ngayon ay meron din palang math counterpart... Sa probability pa.. Well pede rin pala sa ES... ehhehe... Mahirap talaga ang magexpect... Kasi kapag hindi nameet expectations mo, nakakadisappoint at nakakafrustrate.... Kung wala ka naman expectations sa isang bagay, pinapahalagahan mo pa rin ba yon? Sa dahilang ayaw mong masaktan once na hindi nga mameet ung expectations mo, ay tama na nga bang hindi ka na magexpect?

Frustration ko talaga pagsayaw... Well.. hindi ako pinalad kanina... malas... nagenjoy naman ako.. unti-unti ko na rin naoovercome mga fears ko... siguro balangaraw eh makakasayaw na ako nang hindi nakayuko... hahha... at hindi nagpapanic bigla... kahit na may mga nangaasar... ho well... wala na ako magagawa sa kung ano man isipin nila... sumasakit lang ulo ko... Mas marami talaga ang mas magaling sumayaw kanina... hehe... destiny siguro... :) acads daw muna... hehehe.. well my other aspects pa kung san pede paghusayan... :)

oooppss... acad mode na pala ako starting tomorrow... baka after two weeks na ulit bago ako makapagpost... :) Or kung baka kailanganin ko ng emotional output... baka may lumabas ulit dito... :D

No comments: