Contemplations
Pagkatapos ng isang nakakapagod na araw, at dahil ito sa pagppractice ng sayaw eto ako gumagawa na naman ng panibagong post...
Nung nakaraang araw, nalaman ko ang isang napakalungkot na balita... Nung una hindi pa ako makapaniwala... Ang hirap naman kasing paniwalaan lalo pa't tanggapin ang nangyari... hindi naman ako directly involved, at hindi ko alam ang sasabihin sa taong un... sa mga taong talagang apektado... Alam kong masakit, sobrang sakit siguro lalo pa't kung malapit ang taong mawawala... Gusto ko sanang makatulong pero hindi ko alam ang tamang sabihin... Kaya naman napatahimik na lang ako... Pakiramdam ko ang tanging magagawa ko na lang ay umasa na magiging maayos din sila... At sa mga panahong din un, parang biglang pumasok sa isipan ko ang mga madaming bagay... Mga bagay na karaniwan kong binabalewala... At kadalasay pinangungunahan ng hiya o takot na ma'reject', kaya naman walang nangyayari lalo... Hindi talaga natin mahuhulaan ang mangyayari sa buhay natin... Minsan, baka sa isang iglap mawala na ang taong pinakamahalaga at pinakamamahal natin... Gawin man natin ang lahat para makaiwas sa aksidente, sakit o anumang sakuna; hindi pa rin natin ito makokontrol... Isa itong masakit na katotohanan...
Bakit kung kelan wala na ang isang tao dun lang talaga natin nalalaman na mahalaga pala siya sa atin? Bakit kapag nandiyan pa siya, parang balewala nalang? Sa tingin ko, nagiging kampante tayo lagi na ang mga taong nakasanayan natin na nandyan lagi sa tabi natin ay palaging mananatiling nandiyan parin... Sa huli, lagi na lang may pagsisisi, mga tanong at mga hinaing... "na sana'y nasabi ko sa kanya", "sana nagawa ko ito..." Sana sana sana... puro na lang sana... At minsan naman "sorry" "patawad" hayz... Bakit lagi na lang ganun?
Maikli lang ang buhay... Wag sasayangin.... Maswerte na kung magising pa tuwing umaga na maayos pa rin ang lahat...
No comments:
Post a Comment