So tired...
Sa totoo lang.. tapos ko na panoorin ung "Suzuka," well napaka-predictable nang ending...
Nasa title na nga eh... Sabi ko gagawa ako ng anime review, pero wala pa ako sa mood... Sa ngayon, iniisip ko pa nga kung mag-iingles ako or magfi-filipino sa pagsulat nung 'blog post' ngaun...Ikatlong linggo na ngayon ng dance practice namin sa ERG... Masakit sa katawan, un lang masasabi ko... Nagpractice pala kami kahapon nila Nina at Aldrin sa tambayan ng audition piece namin mula 1:20 hanggang 4:30 nang hapon... Sumakit talaga ung ulo ko pagkatapos... Naubos ata ung tubig sa katawan ko pagkatapos nun eh.. hehehe.. At dahil sa naka-fitted na jeans ako kahapon habang nagppractice ay ang hirap talaga iexecute nang maayos ung mga moves lalo na pag may mga waves... Isa pa dun, ung 'spongebob' move heheh... well, wala na ung sa paa... hirap pa rin sa waves.. Kailangan pa galingan mag-practice... Ilang araw na lang bago ang presentation night, at sana kaunti lang talaga ang manood... baka himatayin ako sa kaba.. hahaha... Well, kung hindi man ako palarin sa auditions, malas.. hehehe... pero ayos lang... kasi sa totoo lang... hindi ko pa rin kayang ihandle ung pressure and stage-fright...
So pagkauwi ko nga after ng practice sabi ko magaayos ako ng gamit at magaaral na ng dose at eee 23... Pero no!! natulog lang ako hanggang 1130... at nagising lang ako dahil sa nagugutom ako.. Buti nalang talaga nagbaon ako ng tinapay... So after kumain, masakit pa rin ang ulo ko... kaya naman napagpasyahan ko na mag'surf' na muna... So ayun, basa-basa ng mga blog ng mga tao... tapos check ng mail... at kung ano pang pedeng gawin... Gusto ko pa nga sana maglaro ng O2 jam eh.. kaso puro busy or may problema mga tao... Hayz talaga... So ayun... itinulog ko na lang ulit... At ngayong pagkagising ko, dito na naman ako gumagawa ng blog... buti na lang 10am pa class ko... may ilang oras pa ako... :)
Mamaya may practice na naman.. Sana ma-memorize ko na talaga ung mga steps at magawa ng maayos... Sana may energy pa ako para mag-aral... Well gud lak talaga... n_n
Note: Hindi pa rin ako magaling gumawa ng mga post.. wala pa rin ako mahanap na magandang pics na ilalagay... Next time siguro mas ok na... Kung may time pa :)
No comments:
Post a Comment