Updates:
Anime Currently Watching : "Suzuka"
Hindi ko pa ito tapos.. episode 20 pa lang ako.. sobrang pagod na xe ako pagkauwi.. kaya naman may 6 episodes pa ako na papanoorin... Basically, isa itong love story na kung saan ang setting ay sa junior high school. Meron din touch of sports, dahil track and field ang main interest ng mga characters. Sa pagiging realistic nang anime, hindi ko talaga maxadong masabi kasi naman halos puro ung point of view ng main guy character na si Akitsuki Yamato ang pinapakita.. Hindi rin siya boring panoorin kasi bawat episode mas nabbuild-up ung mga characters at ung mga relationships nila sa isat-isa. Sa ngayon, un palang...
Leisure Time:
Maliban sa usual dOtA na hindi na rin masyado natutuloy dahil sa busy ang karamihan... Nahilig na naman akong maglaro ng Magic the Gathering. Ung card game, na uso pa ata nung high school or grade school pa nga lang ata... Hindi pa naman ako naaadict nang lubusan para bumili at gumawa ng sarili kong deck... :) Pagdating din ng "regular" school days, malabo na rin na makalaro pa ako ng ganun... so lubus-lubusin na habang pede pa.. :)
Masaya rin ang MWF dance trainings sa tambayan, well sa may parking lot to be exact... Medyo masakit sa katawan, at nakakahiya na kapag madami na ang nanonood.. Kapag ganun na, parang naninigas ata ung katawan ko at namemental block ako... Kahit na ganun, masaya talaga kasi hindi ko talaga naimagine na maaral ko ung mga ganung moves, lalo na ung mga waves... woah talaga... medyo mahirap pa rin ung iba hanggang ngaun... Sabi nga ng isang person na hindi ko na papangalanan ay masyado ko daw iniisip ung moves, pagdating dun sa waves, kaya naman siguro lagi may time delay ung propagation nung waves sa katawan ko... :P
Acads Stuff:
Well, wala pa naman masyadong class ngayon... Maliban sa lab sa 107 kung saan inaral namin kung pano gumagana si "Emong-TIMS." Saya nga magkabit-kabit nang mga kung ano-anong patch lead sa kung ano-anong socket(un nga ba tawag dun? :p) ang main problem lang siguro, at nakakatakot, ay ingat lang talaga sa kung ano ang ipag-coconnect mo, kasi naman baka masira ung si TIMS. At kapag nangyari un, nakow... baka habang buhay ka na magsisilbi sa EEE faculty... :p Sino naman gusto nun dba? Maliban sa 107, ung dose namin ay nagsimula na rin mag-lecture, at kamukha ni sir Carl ung prof ko... :) parang kambal ba... As in!!! kailangan niyo makita para maniwala kayo... hehehhe.. Hindi rin siya strict, walang attendance, seatworks, at pede kumain sa class... Well bawal magingay.. Un... Sa eee103, nag-intro lang si sir, wala ako masabi, mukhang ok naman eh.. at mukhang mabait xa... at magaling magturo.. mukha ngang mageenjoy ako sa subject niya.. ehhehe... well sa ngayon, un pa lang naman masasabi ko... Sa CoE 23 naman, wala lab namin... maliban dun sa required presentation kapag na-late ka sa class... wala na ako matandaan na talagang ginawa namin...
Pinakahuli...
Nagtataka ba kayo kung bakit "Confused" ang title ng blog post na ito... Epekto yan ng "Suzuka" sa akin, after ko mapanood ung episode 18,19 at 20... Malabo, magulo... basta... hindi ko lam kung iisipin ko pa eh.. or hahayaan ko na lang na naman... Well, hopefully, maging ok ang lahat... At ako'y nagiilusyon lang sa ngayon...